Patuloy ang pagsagawa ng fumigation sa barangay ang mga miyembro ng Angeles City Barangay Outreach sa Barangay Sto. Cristo nito lamang ika- 28 ng Marso 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Angeles City Barangay Outreach sa pamumuno ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., ng Angeles City.
Bukod dito, ipinatutupad din ng pamahalaang lungsod ang 4S strategy laban sa dengue: paghahanap at pagsira ng mga posibleng pinamumugaran ng lamok, paggamit ng proteksyon sa sarili, agarang pagpapakonsulta, at pagsang-ayon sa fogging kung may outbreak.
Layunin ng fumigation na maiwasan ang pagkalat ng dengue, isang sakit na dulot ng lamok.
Patuloy ang Lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng fumigation sa iba pang barangay upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng mga residente sa kanilang nasasakupan.
