Patuloy ang pagsagawa ng fumigation ng Angeles City Health Office-Sanitation Division sa Barangay Salapungan, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-19 ng Abril 2023.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa 4S strategy ng pamunuan ng City Government ng Angeles City na “Search and Destroy, Self protection measures, Seek early consultation, Say yes to fogging in case of outbreak”.
Naglalayon itong maiwas ang mga mamamayan sa mga peste at lamok na nagdudulot ng dengue.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy ang pagsasagawa ng fumigation sa kanilang nasasakupan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.