Muling nagsagawa ng fumigation ang Angeles City Health Office-Sanitation Division sa Barangay Cuayan, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-29 ng Marso 2023.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa 4S strategy ng pamunuan ng City Government ng Angeles City na “Search and Destroy, Self-Protection Measures, Seek Early Consultation, Say Yes to Fogging in Case of Outbreak”.
Naglalayon itong maiwasan ng mga mamamayan ang mga peste at lamok na nagdudulot ng dengue.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy na magsagawa ng fumigation sa kanilang nasasakupan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.