Patuloy na umaarangkada ang fumigation laban sa lamok na may dalang dengue sa Sto. Cristo, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-31 ng Marso 2023.
Pinamunuan ito ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City katuwang ang City Health Office – Sanitation Division.
Binugahan ang mga bawat kabahayan kung saan namamahay ang mga lamok na may dalang sakit na dengue sa nasabing lungsod.
Layunin ng naturang fumigation ang maprotektahan ang kalusugan ng mga residente laban sa mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue at maagapan ang pagdami ng nasabing sakit.
Tuloy-tuloy pa rin si Mayor Lazatin sa paghahatid ng serbisyo at programa para sa kanyang nasasakupan.