Nagsagawa ng fumigation ang Angeles City Health Office-Sanitation Division sa Barangay Lourdes nito lamang Huwebes, ika-5 ng Oktubre 2023.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa 4S strategy ng pamunuan ng City Government ng Angeles City na “Search and Destroy, Self protection measures, Seek early consultation, Say yes to fogging in case of outbreak”.
Naglalayon itong maiiwas ang mga mag-aaral ng naturang paaralan sa mga lamok na nagdudulot ng dengue.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy silang magsasagawa ng fumigation sa iba’t ibang lugar ng lungsod upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan.