Nagsagawa ng fumigation ang Angeles City Health Office-Sanitation Division sa Barangay Salapungan, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-10 ng Mayo 2023.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa 4S strategy ng pamunuan ng City Government ng Angeles City na “Search and Destroy, Self-protection measures, Seek early consultation, Say yes to fogging in case of outbreak”.
Naglalayon itong maiiwas ang mga mamamayan ng naturang barangay sa mga lamok na nagdudulot ng dengue.
Sinisiguro ng pamahalaang lungsod ng Angeles na patuloy ang pagsasagawa ng fumigation sa kanilang nasasakupan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.