Nagsagawa ng fumigation ang Angeles City Health Office-Sanitation Division sa Tabun, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-22 ng Pebrero 2023.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa 4S strategy ng pamunuan ng City Government ng Angeles City na “Search and Destroy, Self Protection Measures, Seek Early Consultation, Say Yes to Fogging in Case of Outbreak”.
Ito ay naglalayong maiwasan ang dengue outbreak sa komunidad.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy sa pagsasagawa ng fumigation sa kanilang nasasakupan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.