Nagsagawa ng fumigation ang Angeles City Health Office-Sanitation Division sa Barangay Malabanias, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-25 ng Oktubre 2023.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa 4S strategy ng pamunuan ng City Government ng Angeles City na “Search and Destroy, Self-protection measures, Seek early consultation, Say yes to fogging in case of outbreak”.
Naglalayon itong maiiwas ang mga mag-aaral ng naturang paaralan sa mga lamok na nagdudulot ng dengue.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy silang magsasagawa ng fumigation sa iba’t ibang lugar upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan sa nasasakupan.