Nagsagawa ng fumigation ang Angeles City Health Office-Sanitation Division sa Angeles City Science High School nito lamang Biyernes, ika-4 ng Nobyembre 2022.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa 4S Strategy ng pamunuan ng City Government ng Angeles na “Search and Destroy, Self-protection measures, Seek early consultation, Say yes to fogging in case of outbreak.”
Naglalayon itong maiwasan ng mga mag-aaral ang kagat ng lamok na nagdudulot ng dengue.
Sinisiguro naman ng City Government ng Angeles na patuloy na magsasagawa ng fumigation sa iba’t ibang paaralan upang mapuksa ang pinamumugaran ng mga lamok na maaaring pagmulan ng dengue at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mag-aaral na malayo sa anumang uri ng sakit.