Inilunsad ng Coast Guard Sub-station Claveria sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ang Free Ferry Mission nitong Oktubre 23, 2022 sa Claveria, Cagayan.
Layunin ng programa na matulungan ang mga stranded na pasahero matapos magkaroon ng landslide sa Pancian, Pagudpud, Ilocos Norte.
Nasa 61 na pasahero ang natulungan at naisakay gamit ang Aluminum boat ng Coast Guard, rubber boat ng LGU Claveria, at dalawang fishing boat sa pagsisimula ng proyekto.
Dalawang beses ang biyahe na magmumula Claveria Taggat Lagoon patungong Hanna’s Resort sa Pagudpud sa oras na 5:30 am at 8:00 am. Samantala 7:00 am at 9:00 am naman ang biyahe mula Hanna’s Resort pabalik ng Taggat Lagoon.
Sinabi naman ng Coast Guard District North Eastern Luzon na ang mga biyahe ay nakadepende sa kondisyon ng panahon.
Sa kasalukuyan ay tumigil muna ang paglalayag dahil sa masungit na panahon ngunit agad naman itong magpapatuloy kapag ligtas na ang bumiyahe sa dagat.
Source: PIA Region 2