Nagsagawa ng Free Dental Mission para sa mga residente ng Barangay Cariño, San Carlos at San Isidro sa Paniqui Gymnasium, Paniqui, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-16 ng Agosto 2024.
Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad sa pamumuno ni Hon. Max Roxas, Mayor ng Paniqui, Tarlac katuwang ang mga mahuhusay na dentista na sila Dr. Owen Vladimir Domingo, at Dra. Mayeth Chichioco.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng libreng check-up, gamot at bunot.
Kasabay nito, masayang nakatanggap din ng libreng bigas ang ating mga benepisyaryo.
Ang probinsya ng Tarlac ay patuloy na maghahatid ng serbisyong medikal at dental at magsasagawa ng higit pang mga proyekto at programa na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa mas matibay na ugnayan ng komunidad at mga namamahala ng nasabing bayan.