Handog ng Local Government of Unit (LGU) ng Angeles City ang free anti-flu vaccination sa lahat ng government employee sa kanilang nasasakupan nito lamang Lunes, ika-13 ng Nobyembre 2023.
Pinangunahan ito ni Hon. Carmelo Lazatin Jr. Mayor ng Angeles City.
Ayon sa ulat ng Angeles City Information Office, aabot sa 4,682 na government employees ang makakatanggap ng nasabing libreng bakuna.
Layunin nito na maging malusog ang pangangatawan at may pangontra sa anumang uri ng sakit upang mas magamapanan ng maayos ang kanilang tungkulin na magserbisyo para sa bayan.