Kasalukuyang sumasailalim sa 38-day Livelihood Training ang grupo ng mga dating rebelde na tatagal mula Agosto 30 hanggang Oktubre 7, 2022 sa bayan ng Baggao, Cagayan.
Bahagi ang aktibidad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) upang matulungan ang mga dating rebelde sa kanilang pagbaba sa kabundukan at pagbabalik bilang miyembro ng pamayanan.
Sasailalim ang mga kalahok sa Animal Production training na pangangasiwaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao.
Tuturuan sila ng pagpapalaki at pagpapanatili ng poultry housing, magpa-itlog at magpalaki ng sisiw at iba pa.
Sa kanilang pagtatapos ay makakatanggap ang mga benepisyaryo ng National Certificate (NC) II.
Naging posible ang programa sa tulong at pagsisikap ng 77th Infantry Battalion Philippine Army na siyang nakipag-ugnayan sa TESDA at LGU Baggao.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa mga sundalo at sa gobyerno sa kanilang pagtulong at patuloy na suporta at gabay sa kanilang pagbabagong buhay.