Nakatanggap ng tulong ang mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups sa Happy Farmville, Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela nito lamang Martes, Hunyo 28, 2022.
Anim na pamilya ng dating rebelde ay nakatanggap ng Food Assistance mula sa 1st Cavalry ‘Rapido’ Company (Separate) of the Armor Division, Philippine Army.
Sa kabuuan, 33 benepisyaryo ang nakatanggap ng 25 kilo ng bigas at groceries bilang parte ng kanilang programa upang suportahan ang Executive Order No. 70.
Maliban sa aktibidad na ito, isinusulong din ng pamunuan ng 1st Cavalry ‘Rapido’ Company ang kanilang proyektong “Piso Mo para sa Kinabukasan Ko” kung saan kinuha nilang mga scholar ang mga anak ng mga dating rebelde na nagbalik loob na sa pamahalaan.
Samantala, ang Happy Farmville ang nagsisilbing temporary shelter ng mga dating rebelde na ginawa noong 2019 at nasa loob mismo ng Headquarters ng 5th Infantry Division sa Gamu, Isabela.
Source: 5th Infantry Division, Philippine Army