16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Former Rebel sa Cagayan nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Gobyerno

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang isang dating rebelde mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 nito lamang Huwebes, ika-25 ng Agosto 2022 sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Pormal na tinanggap ni alyas “Luis” ang Php20,000 mula sa pamahalaan na bahagi ng Livelihood Settlement Grant bilang kanyang panimula sa negosyong nais niyang pasukin sa kanyang pagbabagong buhay.

Pasasalamat ang naging tugon ni alyas “Luis” sa programang ito ng pamahalaan. Aniya, hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ito na binigay ng gobyerno upang palaguin ang kanyang negosyo.

Naging posible ang aktibidad sa tulong ng 77th Infantry Battalion, Philippine Army.

Samantala, siniguro naman ni Lieutenant Colonel Magtangol G Panopio, Battalion Commander ng 77IB na hindi titigil ang kanilang hanay na tulungan ang mga nagbalik-loob na rebelde sa kanilang pagbabagong buhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles