16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Food Packs, ipinamahagi sa mga residenteng apektado ng bagyong Carina sa Angeles City

Namahagi ng food packs sa mga pamilyang apektado ng bagyong Carina mula sa Barangay Amsic, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-26 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay sa pamumuno ni Mayor Carmelo ‘Pogi’ Lazatin Jr. katuwang ang mga miyembro ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sa pangunguna ni Joy Duaso.

Ang nasabing mga lumikas ay kasalukuyang nanunuluyan sa Amsic Barangay Hall sa siyudad ng Angeles.

Sa kabila ng kanilang sitwasyon, tiniyak ng pamahalaang lungsod na agarang mabigyan ng kinakailangang tulong upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Ayon kay Mayor Lazatin, ang pagbibigay ng agarang tulong ay bahagi ng kanilang pangako na laging unahin ang kapakanan ng mga mamamayan sa panahon ng pangangailangan.

Ang kanilang dedikasyon sa serbisyong pampubliko ay nagsilbing inspirasyon sa iba pang mga kawani ng gobyerno.

Layunin ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Lazatin, na masigurong walang sinuman sa kanilang mga nasasakupan ang maiiwan sa panahon ng sakuna at nagpapakita ng malasakit at suporta sa mga mamamayan ng Angeles City.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles