Namahagi ng food packs ang mga tauhan ng Provincial Government ng Pampanga para sa mga binahang barangay sa City of San Fernando, Pampanga nito lamang Biyernes, ika-4 ng Agosto 2023.
Katuwang sa pamimigay ng tulong ang mga miyembro ng San Fernando Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry.
Umabot sa 2,200 na food packs ang naipamahagi sa mga residente mula sa Barangay Lourdes, San Pedro Cutud at Sto. Niño.
Patuloy ang Provincial Government ng Pampanga sa pamimigay ng tulong sa mga mamamayan lalo na sa panahon ng sakuna.