Nakatanggap ng Food Cart mula sa DOLE- Nego-Kart Project ang masisipag na street vendors ng Paniqui, Tarlac nito lamang Biyernes ika-4 ng Setyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas katuwang ang Department of Labor and Employment ng nasabing probinsya.
Kasabay nito, namahagi din ng libreng bigas ang lokal na pamahalaan ng Paniqui sa mga benepisyaryo ng nasabing proyekto.
Patuloy ang pagtutok ng gobyerno sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at tulong pangkabuhayan para sa maunlad na Bagong Pilipinas.