Tinalakay ng Civil Service Commission Region 1 at lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union ang Strategic Performance Management System nito lamang ika-5 ng Setyembre 2023.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa upang makita ang epekto ng isinagawang SPMS training noong Enero 30-31, Pebrero 27-28, at Marso 15-16 sa lahat ng kawani ng lokal na pamahalaan.
Siniguro ng CSC na ang ibinigay nilang pagsasanay ay naipapatupad sa organisasyon, at may positibong pagbabago sa bawat departamento ng lokal na pamahalaan.
Tinitiyak naman ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union na maipagpapatuloy nila ang naturang sistema na nakatuon sa pagsisiguro ng kagalingan ng bawat kawani ng lokal na pamahalaan.
Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa munisipalidad ng Bacnotan, La Union na gagawin nila ang kanilang tungkulin upang makatulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng kanilang nasasakupan.
Source: Bacnotan, La Union