Ipinahayag ng Department of Public Works and Highways – Aurora District Engineering Office, na nakompleto na ang flood control project sa Sitio Vietnam, Brgy. Sabang, Baler nito lamang ika-15 ng Agosto 2022.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng Php4.9 milyon na pinonduhan sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.
Ayon kay District Engineer Roderick Andal, kalakip ng proyekto ang pagkumpleto ng 390-lineal meter slope protection structure ng mga residente na nakatira malapit sa Duongan River.
Kabilang sa proyekto ang pagtayo ng stone masonry walls na maaaring gamitin ng mga mangingisda upang maprotektahan ang kanilang mga bangka sa tuwing may darating na malakas na ulan o bagyo.
Ang flood control project ay bahagi ng layunin ng DPWH na mabigyan ng maayos na imprastraktura upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad gayundin ang kanilang kabuhayan.
Source: DPWH Regional Office III