16.8 C
Baguio City
Tuesday, November 19, 2024
spot_img

Floating Room sa Alcala, Cagayan, nakakapagsalba na ng kagamitan sa eskwela tuwing may pagbaha

Naging kapaki-pakinabang ang isang floating room sa Damurog Elementary School sa bayan ng Alcala, Cagayan dahil nakakapagsalba na ito ng gamit sa eskwela tulad ng modules, libro, at iba pang learning materials.

Ayon sa impormasyong dating floating library ang naturang floating room, subalit dahil sa laging nababaha ang Brgy. Damurog ay ginawa na nila itong isang stock room para paglagyan ng mga mahahalagang dokumento at learning materials.

Sampung taon ang nakalilipas nang magsimulang magkaroon ang ilang mga residente ng floating houses sa kanilang barangay. At dahil dito ay nagkaideya at nangarap ang mga guro ng paaralan ng isang floating room na maaari nilang paglagyan ng mga mahahalagang gamit sa paaralan.

Hanggang sa naghanap ang mga guro at iba pang grupong tumulong ng mga sponsors upang mapondohan at maisakaturparang maitayo ang pangarap na floating room.

Naisakatuparan, nagawa nga at nagamit na ang floating room na dati ay isang pangarap lamang. Naging kapaki-pakinabang na ito dahil sa mga sunod-sunod na bagyong nagdulot ng baha sa lalawigan ng Cagayan kasama na ang Barangay Damurog.

Ayon sa mga guro ay proven and tested na ito sapagkat safe ang kanilang mga kagamitan tuwing flood season.

Dagdag nito ay plano pa nilang magpatayo ng mas malaki pang floating room upang mas maraming gamit pang-eskwela ang maaari nilang mailagay dito o di kaya ay maaaring gawing multipurpose room, library, computer room o stock room kung hindi panahon ng tag-ulan.

Isa itong magandang ideya upang pamarisan ng ibang bayan lalo na sa mga lugar na nababaha tuwing tag-ulan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles