14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Flashfloods at landslide, rumagasa sa Banaue, Ifugao

Rumagasa ang matinding pagbaha at pagguho ng mga lupa dulot ng walang hintong malakas na ulan sa Barangay Amganad, Poitan, Poblacion, Tam-an at Viewpoint, Banaue, Ifugao hapon ng Hulyo 7, 2022.

Ang mga kalsada ay nagmistulang ilog at ang National Road ay hindi nadadaanan ng mga sasakyan dahil sa mga landslide.

Naanod sa rumaragasang baha ang mga sasakyan tulad ng motorsiklo, tricycle kabilang ang mga jitney at ilang mga alagang hayop.

Agad namang nagsagawa ng rescue at road clearing operation ang mga tauhan ng Banaue MPS katuwang ang mga tauhan ng 2nd Ifugao PMFC at Banaue MDRRM team upang ligtas na itawid ang mga stranded na indibidwal at mga sasakyang natangay ng malakas na agos ng mudslide at baha.

Samantala, umabot naman sa 327 ang pamilyang naapektuhan ngunit karamihan ay piniling makitira sa kamag-anak kaya kakaunti ang bilang ng nasa evacuation center.

Naitala naman ang tatlong bilang ng sugatan subalit nasa maayos nang kalagayan, 231 na bahay ang naitalang bahagyang nasira, dalawang bahay ang ganap na nasira.

Bukod pa dito, walang naitalang nasawi pagkatapos ng sakuna subalit patuloy ang mga kapulisan kasama ang mga iba bang ahensya at mga volunteers sa pagsasagawa ng mga clearing operations sa mga kalsada, establisyimento at mga bahay na matinding naapektuhan sa sakuna.

Dagdag pa rito, nagsimula na ring mamigay ng relief packs ang mga kinatawan ng MSWD sa mga apektadong pamilya.

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga landslide na nakaharang sa mga pangunahing kalsada ay bahagyang nalilimas at ngayon ay nadadaanan na ng mga magaan na sasakyan dahil sa patuloy na pagsasagawa ng road clearing operations.

Hindi pa matukoy ang tinatayang halaga ng mga pinsala sa imprastraktura at agrikultura.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles