25.9 C
Baguio City
Tuesday, March 11, 2025
spot_img

Fire Square Road Show, handog ng Kalinga BFP

Nagbigay kasiyahaan at aral ang Bureau of Fire Protection-Kalinga matapos magtanghal ng nakakaaliw na Fire Square Road Show sa Capitol Grass Court, Tabuk City, Kalinga mula Pebrero 13-14, 2025.

Tampok sa Fire Square Road Show ang mga nakakaengganyong mga booth display at mga aktibidad gaya na lamang ng Rappelling, Photobooth kasama si Berong at Berang, at Fireman’s Ladder.

Ang mga bisita ay maaaring din lumahok sa hands on na pagsasanay particular sa First Aid, Basic Life Support (BLS) at CPR kung saan nagbibigay ng kasanayan na maaaring gamitin upang iligtas ang mga buhay sa panahon ng emergency.

Maliban dito, mayroon din showcase na nagpapakita ng mahahalagang kagamitan sa pagsagip na ginagamit ng magigiting na mga bumbero at isang AVP na nagha-highlights ng mga kamakailang aksidente sa sunog sa Kalinga, kasama ng mga mahahalagang tip sa kaligtasan kung paano maiwasan ang mga naturang insidente.

Samantala, ang Road Show ay hindi lamang isang karanasang pang-edukasyon, ito ay isang pagkakataon upang magbigay ng inspirasyon sa komunidad, lalo na sa mga kabataan, na seryosohin ang pag-iwas sa sunog at mga hakbang sa kaligtasan.

Ito rin ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang dumalo na isaalang-alang ang pagsali sa hanay BFP o maging mga tagapagtaguyod ng kaligtasan ng sunog.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles