Ipinamahagi ang pinansyal na tulong sa mga residente ng Barangay Abogado at San Isidro, Paniqui, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika- 20 ng Nobyembre taong 2024.
Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad sa pamumuno ni Mayor Max Roxas, at Vice Mayor Bien Roxas.
Kasabay nito tumanggap din ng tig 5 kilong bigas at grocery packs na nagbigay tuwa at labis na pasasalamat ng mga benepisyaryo sa hindi paglimot ng pamahalaan para sa kanila na abutan ng tulong at bigyang halaga.
Ang lokal na pamahalaan ng Paniqui ay patuloy na maghahatid ng pinansyal na tulong at magsasagawa ng higit pang mga proyekto at programa na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa mas matibay na ugnayan ng komunidad at mga namamahala ng nasabing munisipalidad.