Naghandog ng Financial Assistance ang pamahalaan ng Angeles City sa mga senior citizens sa Barangay Sto. Cristo, Angeles City nito lamang Lunes, Nobyembre 7, 2022.
Ito ay pinamunuan ni Mayor Carmelo Lazatin, Mayor ng Angeles City.
Namigay ng Php3,000 financial assistance, vitamin C at bigas sa mga edad 90 to 99 residente ng Angeles City.
Labis ang pasasalamat ng mga senior citizens sa handog na tulong ng pamahalaan.
Patuloy na umarangkada ang programa ng pamahalaan ng Angeles City para sa maganda at maayos na kinabukasan ng kanilang nasasakupan.