Mahigit 1,803 rehistradong Senior Citizen ng Barangay Pampang, Angeles City ang nakakuha ng Cash Assistance at Vitamin C Supplements mula kay Mayor Carmelo Lazatin Jr. nito lamang Huwebes, ika-30 ng Mayo 2024.
Matagumpay na naisakatuparan ang naturang aktibidad sa pangunguna ni Mayor Lazatin katuwang si Mr. Eduardo Torres, Miyembro ng Senior Citizens Affairs.
Nakatanggap ng tig-isang libong cash assistance at pang tatlong buwan na supply ng Vitamin C Supplements ang 1,803 na makikinabang na nagbigay tuwa at labis ang kanilang pasasalamat dahil kabilang sila sa mga binibigyang pansin ni Mayor Lazatin.
Tuloy-tuloy ang pagkakaloob ng serbisyo at paglahok sa iba’t ibang programa ng ating pamahalaan, lalo na sa sektor ng kalusugan, upang matulungan at bigyan ng pagnanais na magkaroon ng malakas at masiglang pamumuhay ang ating mga senior citizen.
Source: Angeles City Information Office