Namahagi ang mga tauhan ng Lokal na Pamahalaan ng Paniqui ng pinansyal na tulong at libreng gamot para sa mga residente ng Paniqui, Tarlac nito lamang Martes, ika-6 ng Marso 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Hon. Max Roxas, Mayor ng Paniqui.
Labis ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa tulong na hatid sa kanilang lugar.
Layunin ng programa na ipadama ang malasakit at pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng tulong pinansyal at sa usaping kalusugan.
