Nagsagawa ng Bantay Kalusugan Feeding Program ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa Brgy. Ambalangan Dalin, Brgy. Colisao, at Brgy. Binday sa bayan ng San Fabian nitong Martes, ika-23 ng Mayo 2023.
Ayon sa Pamahalaan ng Panlalawigan ng Pangasinan, tig-limang kilong bigas ang naibahagi sa 360 na pamilya. Bilang patunay ng pagbibigay halaga ng pamahalaang panlalawigan sa nutrisyon, iba’t ibang programang pangkalusugan gaya ng feeding program ang isinasagawa ni Gov. Ramon “Mon-Mon” V. Guico III.
Layunin ng nasabing aktibidad na mabantayan ang kalusugan ng mga kabataan lalong-lalo na sa malalayong lugar.
Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo sa mamamayan na nangangailangan ng tulong para sa isang maayos at maunlad na pamayanan.