16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Feeding program handog sa mga batang residente ng Concepcion, Tarlac

“Iba ang kaligayahang nadarama sa tuwing nakakatulong tayo sa iba.”

Ayon sa isang sikat na manunulat ng mga tula, kung mayroon daw siyang isang araw na lamang para mabuhay, ilalaan nya ito upang makatulong kahit sa munti niyang paraan. Sadya ngang napakasarap sa pakiramdam na sa natitirang araw mo sa mundo ay nakapagpalaganap ka ng kabutihan at pagbabago.

Sa mga unos na napagdaanan na ng ating bansa, saksi tayo sa iba’t ibang larawan ng bayanihan.

Patunay dito ang mga serbisyong hindi matatawaran na ibinigay ng ating kapulisan. Ngayong unti-unti na tayong bumabangon mula sa pandemya, patuloy pa rin ang pagbibigay tulong ng ating mga kapulisan sa ating mga kababayan na labis na nangangailangan. Isang patunay dito ay ang pagsasagawa ng mga tauhan ng Concepcion Municipal Police Station sa pangangasiwa ni PLtCol Reynold Macabitas, Officer-In-Charge ng isang PNP Community Outreach Program sa Brgy. Sto. Nino, Concepcion, Tarlac.

Naging matagumpay ang programa sa pakikipagtulungan ng Barangay Officials ng nasabing lugar kung saan sila ay nagbigay ng libreng lugaw sa mga batang residente.

Tuwa at ngiti naman ang naging sukli ng mga bata dahil sa dalang pagkain ng ating kapulisan. Sa pamamagitan nito ay naipapadama nila na ang mga pulis ay hindi dapat katakutan kundi kanilang kaibigan at kakampi.

#####

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles