14.3 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Farmers Dormitory at Staff House sa Anquiray, Amulung, pinasinayaan at binasbasan

Pinasinayaan at binasbasan ang farmers dormitory at staff house sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung noong Miyerkules, Agosto 17, 2022.

Pinangunahan ni Governor Manuel N. Mamba at ang naturang aktibidad na dinaluhan ni 3rd District Board Member Rodrigo De Asis, Consultant Roberto Damian, mga Department Heads, empleyado ng Kapitolyo at mga trainee’s ng vegetables, at mga rice at corn farmers.

Ang staff house ay may pambabae at panlalaki na silid ay para sa mga empleyado ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) na maaaring matulog o mamalagi mula Lunes hanggang Biyernes.

Maliban sa mga gamit sa walong silid nito, ay mayroong cafeteria area, executive room, opisina ng dorm warden.

Ang ibang kagamitan naman sa loob ng naturang pasilidad ay nagkakahalaga naman ng Php2.7 milyon.

Bukod sa mga pasilidad, mayroon din itong hydroponic at aquaponic production area, machinery shed na mayroong rice milling machine, rice transplanter, combine thresher harvester, corn and palay thresher, hand tractor, hardwood shedder, corn grinder at weed shedder, trailer at chipping machine.

Ayon kay Provincial Agriculturist Pearlita P. Mabasa, ang pinasinayaang farmers dormitory ay nagkakahalaga ng Php23.7 milyon na may kapasidad na 128 katao.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles