Pinangunahan ng Didipio Mine ang Groundbreaking Ceremony para sa ika-apat na proyekto ng Community Development Fund (CDF) ng munisipalidad sa ilalim ng 2023 project cycle ng mining firm na ginanap sa Brgy. Dumanisi, Diffun, Quirino.
Ang nasabing proyekto ay may six-meter-wide farm-to-market road FMR sa Barangay Dumanisi na magbebenepisyo sa komunidad sa pagpasok at paglabas sa kanilang produktong pang-agrikultura sa merkado.
Ibinahagi naman nila Mayor May G. Calaunan at Barangay Captain Alex T. Dela Cruz ang kanilang pasasalamat sa Didipio Mine para sa proyekto na malaking tulong ito lalo na sa industriya ng pagsasaka ng barangay.
kasabay nito ang idinaos na groundbreaking ceremony na I Love Quirino “Pinasayang” Caravan sa nasabing barangay.
Dinaluhan din ito nina Governor Dax Cua, Vice Governor Jojo Vaquilar, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Mines and Geosciences Bureau Region 2 Director Mario Ancheta, Indigenous Peoples Mandatory Representative Kris-Ian dela Cruz, Mayor May Calauanan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, iba pang mga opisyal at ang CDF technical working group ng Didipio Mine.
Bukod dito, nakatakda rin itayo ng Didipio Mine ang gusali ng paaralan sa Barangay Macate at FMR project na nagkakahalaga ng Php3 milyong pisong halaga sa Barangay Don Mariano Perez sa bayan ng Diffun.
Source: PIA Quirino