16.6 C
Baguio City
Saturday, September 21, 2024
spot_img

Farm equipment and machineries, ipinamahagi sa Cabugao, Ilocos Sur

Masaya at taos-pusong tinanggap ng mga Brgy. Officials at mga farm leaders ng Brgy. Maradodon, Brgy. Baclig, Brgy. Namruangan at Brgy. Salapasap ng Cabugao, Ilocos Sur ang mga iba’t ibang farm equipment and machineries na ipinamahagi ng kanilang lokal na pamahalaan nitong Biyernes, ika-14 ng Oktubre, 2022.

Tatlong aircooled water pump, isang grain milling at grain bagging machine ang tinanggap ng Brgy. Maradodon.

Tig-isang aircooled water pump at grain milling naman ang natanggap ng Brgy. Baclig at Brgy. Namruangan, samantalang isang aircooled water pump naman sa Brgy. Salapasap.

Ipinaabot naman ng mga nakatanggap ang kanilang labis na pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Cabugao na pinamumunuan ni Mayor Josh Edward Cobangbang.

Sa mensahe ng butihing Mayor ay kanyang ipinasigurado ang kanyang buong suporta sa mga magsasaka ng Cabugao at sana ay magamit ang mga ibinahaging farm equipment and machineries para mapadami ang kanilang ani.

Source: LGU-Cabugao, Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles