Umarangkada ang Tarlac City Population Commission Office sa isinagawang Family Development Session Program sa Brgy. San Juan Bautista, Tarlac nito lamang Lunes, ika-3 ng Oktubre 2022.
Ang naturang programa ay sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, City Mayor ng Tarlac at pinangunahan ng mga tauhan ng Tarlac City Population Commission Office.
Nagbigay kaalaman ang nasabing opisina sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) patungkol sa kahalagahan ng pagiging responsableng magulang.
Patuloy ang pamahalaan ng Tarlac City na nagbibigay ng kaalaman sa kanilang nasasakupan tungo sa maayos at maunlad na pamumuhay.