14.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Ex-convict at isang bata, todas; 9 biktima nagpapagaling sa hospital sa Ifugao

Ifugao – Wala ng buhay ang isang ex-convict na suspek sa pag-aamok at pananaga sa siyam na biktima at nagresulta sa pagkakamatay ng isang 5-anyos na bata sa Amduntog, Asipulo, Ifugao nito lamang hapon ng Oktubre 18, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Marvin Diplat, Officer-In-Charge ng Ifugao Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Davis”, 44 anyos, ex-convict, residente ng Amduntog, Asipulo, Ifugao.

Lumabas sa imbestigasyon na pumunta ang suspek sa bahay ni Mr. Tomas Tayaban at humingi ng tubig na maiinom at sa hindi malamang dahilan, hinampas ng suspek si Ginoong Tukal ng matigas na kahoy at hinabol si Ginoong Tayaban na karga-karga ang kanyang pamangkin, at parehong tinaga ang mga biktima. Agad naman tumungo ang suspek sa Sitio Olulug at tinaga ang tatlo pang indibidwal.

Pagkatapos, nagtungo ang suspek sa Barangay Hall ng Amduntog at tinaga ang tatlo pang biktima pagkatapos ay tumakas patungo sa Asipulo Central School at tinaga ang estudyanteng si alyas “Austin” na pauwi na sa kanilang bahay.

Kaagad naman na-neutralisa ang suspek ni Police Staff Sergeant Jet Galiom, nang tangkain na naman nitong tagain ang isa pang biktima dahilan upang gamitan ni PSSg Galiom ang kanyang issued firearms upang isalba ang buhay ng naturang estudyante.

Kaagad dinala ang mga sugatang biktima sa Panopdan District Hospital habang ang suspek ay dinala naman sa Ifugao General Hospital ngunit idineklarang patay ng kanyang attending physician bandang 4:35 ng hapon. Kinondena naman ng Ifugao PNP ang marahasan na insidente at nagpaabot ng panalangin para sa mabilis na paggaling ng mga biktima at nag-abot ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng batang nasawi.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles