Natagpuan ng awtoridad ang naiulat na nawawalang estudyanteng Koreano sa isang computer shop sa T. Alonzo St., Baguio City nito lamang Setyembre 20, 2022.
Kinilala ang nawawalang estudyanteng Koreano na si Jinhun Kim, residente ng Badihoy Guisad Surong, Baguio City.
Ayon sa ulat, naglayas si Jinhun sa kanilang tahanan noong January 12, 2022 at kabilang sa naitalang “missing person”.
Matapos ang halos siyam na buwan na paghahanap ay natunton ng Baguio PNP ang lokasyon ng naturang estudyanteng Koreano at napag-alaman na nagtrabaho bilang isang “stay-in cashier” sa naturang computer shop.
Hindi pa matukoy ang dahilan ng kanyang pagtatago sa kanyang pamilya subalit bumalik na ito sa pangangalaga ng kanyang pamilya.