21.6 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at teroristang grupo, nagresulta sa pagkakasamsam ng mga gamit pandigma

Tumagal ng 15-minuto ang engkwentro sa pagitan ng 17th Infantry Battalion at mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na naganap sa Barangay Calassitan, Sto. Niño, Cagayan nitong ika-9 ng Agosto taong kasalukuyan.

Nagresulta ang sagupaan sa pagkarekober ng militar ng iba’t ibang gamit pandigma ng teroristang grupo matapos abandonahin ng mga ito ang kanilang pansamantalang hideout sa nabanggit na lugar.

Nasamsam ng mga miyembro ng 17th IB ang dalawang M60 Light Machine Guns, siyam na M16A1 Rifles, isang M653 Rifle, isang M14 Rifle, isang AK-47 Rifle, isang Carbine Rifle at isang homemade shotgun.

Nakakuha din sila ng mga parte at hindi na gumaganang baril na kinabibilangan ng dalawang M14 Rifles, tatlong M16A1 Rifles, isang AK-47 Rifle, isang Garand Rifle, isang barrel na may kasamang isang butt stock ng M60, apat na barrel ng Carbine Rifle, at dalawang lower receivers na may kasamang tatlong carrying handle para sa M16 Rifles.

Kasama sa mga nakuhang matataas na kalibre ng baril ay ang siyam na magazine para sa M16 Rifle, labin-walong magazine ng M14 Rifle, walong magazine ng AK-47 Rifle, at isang magazine ng Carbine Rifle na may iba’t ibang klase ng bala.

Maliban dito, natagpuan din nila ang limang bandoliers, medical paraphernalia, dalawang Improvised Explosive Devices (IEDs), 35 metro ng detonating chord, isang CTG flag, at mga pagkain.

Ayon kay Lieutenant Colonel Oliver C Logan, Battalion Commander ng 17th IB, nagsasagawa na ang kanilang hanay ng mga hakbangin para sa posibleng pagkakadakip ng mga nakatakas na miyembro ng West Front Committee, Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon- Cagayan Valley.

Pinasalamatan din niya ang mga residente ng nasabing lugar sa pagbibigay impormasyon sa presensya ng makakaliwang grupo sa kanilang komunidad.

Sinabi naman ni Brigadier General Steve Crespillo, Brigade Commander ng 501st Infantry Brigade na ang mga IEDs na pagmamay-ari ng mga CTGs ay patunay lamang ng kanilang paglabag sa International Humanitarian Law.

Dagdag pa ni BGen Crespillo, ang pagkakarekober ng mga gamit pandigma ng teroristang grupo ay nangangahulugan din ng pagkakasalba ng mga inosenteng buhay na maaaring maging biktima ng kanilang krimen at karahasan.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, tiniyak niya na handa ang lahat ng sundalo na ibuwis ang kanilang buhay para protektahan ang mga mamamayan laban sa mga hindi makatao at paglabag sa batas ng CTGs.

Hinikayat din niya ang mga natitira pang miyembro ng teroristang grupo na isuko na ang kanilang mga armas upang maranasan ang isang masayang buhay kasama ng kanilang pamilya at kaibigan.

Source: 17th Infantry Battalion, Philippine Army

https://www.facebook.com/17IBPA/posts/pfbid02CKM65cu1xbmNb1untZsPgGFnqDApfEDDX9xotPajJQjGy3eh6xn8FdRgryMTDVGel

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles