Ang Enchanted Cave ay isang natural cave formation na mayroong unique underground pool na may malaasul na tubig na matatagpuan sa Patar Beach, Bolinao, Pangasinan.
Ito ay isang pribadong resort o nature park na naging paboritong destinasyon ng mga turista kapag bumibisita sa Bolinao, Pangasinan.
At dahil nasa baybayin ito ng Patar Beach, ang Enchanted Cave ay sinasabing isang malaking coral reef na lumitaw mula sa ilalim ng tubig na resulta ng ebolusyon.
Sinasabing ang lalim ng Enchanted Cave ay nasa tatlong talampakan hanggang anim na talampakan na kung saan maaaring magtampisaw sa malinaw na tubig ang labing anim na katao habang ginagalugad ang natural na kagandahan ng kuweba.
Pinaniniwalaan na milyon-milyong taon na ang nakalilipas na ang bayan ng Bolinao ay dating bahagi ng dagat dahil sa pagkakatuklas ng Coral Rocks Limestone at Fossil Clams sa paligid ng lugar.
Subalit, mayroong lugar sa kuweba na ang mga turista ay limitado sa pagpasok para sa kanilang kaligtasan.
Source:
https://guidetothephilippines.ph/destinations-andattractions/enchanted-cave
There are some interesting cut-off dates in this article however I don’t know if I see all of them center to heart. There may be some validity however I will take hold opinion until I look into it further. Good article , thanks and we want extra! Added to FeedBurner as effectively