16.2 C
Baguio City
Friday, January 24, 2025
spot_img

Employability Enhancement Program, isinagawa sa Bayan ng Mabini, Pangasinan

Nabigyan ng isang araw na pagsasanay ang 50 kababaihan sa bayan ng Mabini, Pangasinan sa Basic Nail Care nito lamang Biyernes, ika-16 ng Hunyo 2023.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Pangasinan Employment Services Office (PESO) at Munisipyo ng Mabini katuwang naman ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-Maxima).

Nagpasalamat si Mabini Mayor Colin Reyes sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa tulong pang-hanapbuhay para sa kanyang mga kababayan.

Ang mga nagsipagtapos sa pagsasanay ay napagkalooban din ng livelihood starter kit at TESDA Certificate of Completion.

Hindi titigil ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na patuloy ang pagbibigay malasakit at buong pusong serbisyo sa kanilang kababayan sa bayan ng Mabini.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles