15.6 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Empleyado ng Kalinga Capitol, arestado sa kasong paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Comelec Gun Ban

Arestado ang isang empleyado ng Kalinga Capitol dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Comelec Gun Ban sa Lungsod ng Tabuk, Kalinga nito lamang ika-18 ng Enero 2025.

Kinilala ang akusado na isang lalaki, 36 taong gulang, may asawa, residente ng Tabuk City at empleyado ng Kalinga Kapitol na nasa job order status.

Ayon sa ulat, tumugon ang mga tauhan ng Tabuk City Police Station sa isang ulat na may kaguluhan sa nasabing lugar.

Ayon sa nagreklamo, nag-iinuman sa kanyang bahay kasama ang suspek at nang papalabas na ang biktima, biglang hinawakan ng suspek at sinuntok sa batok gamit ang isang maikling baril.

Itinuro ng biktima ang suspek dahilan upang arestuhin ng mga rumespondeng PNP at nakuha mula sa suspek ang isang maikling baril, kalibreng .45, na may serial number 786372.

Muling nanawagan ang PNP na isuko ang mga baril na walang kaukulang papeles upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaso at magamit sa masamang layunin.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles