Namahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa mga indibidwal at pamilyang apektado ng Bagyong Maring sa Vigan City, Ilocos Sur nito lamang Sabado, ika-08 ng Oktubre 2022.
Ang nasabing aktibidad ay karagdagang tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad upang upang makatulong na bumangon ang ating kapwa Pilipino at magkaroon sila ng bagong pag-asa at bagong kaginhawaan sa buhay.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng mamamayan at nang ating gobyerno tungo sa maayos at tahimik na pamayanan.
Patunay lamang na ang DSWD Field Office 1 ay palaging maaasahan at nakahandang maghatid tulong para sa mabilis at maayos na pagtugon sa mga pangangailangan.
Source: DSWD Field Office 1