Naghandog ng Educational Financial Assistance Program (EFAP) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa mahigit 1,620 na iskolar mula sa iba’t ibang bayan ng Pampanga sa Bren Z. Gulao Convention Center, Pampanga nito lamang Martes, ika-19 ng Nobyembre 2024.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Hon. Dennis Pineda, Governor ng Pampanga katuwang si Hon. Lilia Pineda, Vice Governor kasama ang mga Sangguniang Panlalawigan.
Ang mga nasabing iskolar ay nakatanggap ng tig Php4,000.00 mula sa kapitolyo, dalawang beses kada taon.
Layunin nito na mabigyan ang mga kabataan ng pagkakataon na makatapos sa pag-aaral.