Ipinamahagi na ang Educational Assistance sa mga mag-aaral na bahagi ng Kuya Win Scholarship Program sa BASC Multi-purpose Gymnasium, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Biyernes, ika- 5 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian kasama si Congresswoman Lorna Silverio, Mayor Gazo Galvez, Mayor ng San Ildefonso, Bulacan at Jameson H. Tan, BASC President.
Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na natanggap mula sa pamahalaan dahil malaking tulong ito sa kanilang pag-aaral.
Ang lalawigan ng Bulacan ay patuloy sa pagkakaroon ng mga programang makakatulong sa bawat mag-aaral alinsunod sa hangarin ng administrasyon na mabigyan ng pagpapahalaga ang edukasyon ng mga kabataang Pilipino.
Panulat ni Digna