Handog ng Department of Social Welfare and Development-Ifugao ang pamamahagi ng educational assistance para sa mga estudyante ng Ifugao State University na ginanap sa Luis Hora Gymnasium, Ifugao State University, Lamut Ifugao nito lamang Nobyembre 5, 2023.
Tinatayang 1,198 na estudyante ng IFSU Main Campus at Lagawe Campus ang napiling tumanggap sa Batch 1 ng nasabing educational assistance mula sa Department of Social Welfare and Development-Ifugao sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program.
Ang naturang mga estudyante ay nakatanggap ng naturang tulong kapalit ng magandang academic performance with completed coursework at passing grade.
Napag-alaman na ang naturang educational assistance ay pinondohan mismo ni Sen. Imee Marcos na may layunin na mabigyan ng tulong ang mga estudyante na hindi pa nakakatanggap ng mga educational grant o financial support mula sa gobyerno.