14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Eco-Walk, muling umarangkada sa Baguio City

Muling umarangkada ang Eco-Walk o ang pinarangalang programa sa pagpapataas ng kamalayan at pagpapahalaga ng mga bata sa kalikasan sa pamamagitan ng isang simpleng programa at pagtatanim ng puno na tinawag na “Eco-Walk Reprised” sa Baguio City nito lamang Hunyo 19, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club, sa ilalim ng pangulo nitong si Thomas Picaña sa tulong ng media group ng pamahalaang lungsod, at iba pang pampubliko at pribadong kasamahan upang muling dalhin ang mga mag-aaral at iba pang grupo sa kanilang bukas na silid-aralan sa Busol watershed kasabay ng ika-52 anibersaryo ng club.

Ang Eco-Walk ay itinuturing na programang batay sa kulturang katutubo para sa kamalayan sa kalikasan, kasabay nito ay ang layuning iligtas ang Busol watershed, isa sa natitirang pine stands na nagbibigay ng maiinom na tubig sa ilang bahagi ng lungsod.

Kabilang sa Eco-Walk ang pag-hiking, pagtatanim ng puno o ring-weeding ng kanilang mga taniman na tinatawag na “muyong”, ang tradisyonal na sistema ng mga Ifugao, mga laro at piknik sa kagubatan at ang mga lektura kung saan natututo ang mga bata tungkol sa kahalagahan ng kalikasan.

Ang aktibidad ay naglalayong itaas ang kamalayan at pagpapahalaga sa kapaligiran at itaguyod ang pagmamahal sa kalikasan ng kasalukuyang henerasyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles