14.7 C
Baguio City
Thursday, November 28, 2024
spot_img

Earthquake Drill, isinagawa sa Munisipalidad ng Narvacan, Ilocos Sur

Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Narvacan ng regular na Earthquake Drill na nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kinabibilangan na mga kawani ng Bureau of Fire Protection at Philippine National Police nitong Lunes, ika-11 ng Setyembre 2023.

Ang Earthquake Drill ay aktibong pinangunahan ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office, Rural Health Unit ng nasabing bayan at personal namang sinaksihan ni Narvacan Mayor Pablito Sanidad.

Sa nasabing Earthquake Drill ay ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang mga kakayahan sa pagbibigay ng paunang lunas sa mga nagpanggap na biktima ng lindol. Pagkatapos ay inilagay ang mga biktima sa Stretcher at dinala sa ospital gamit ang mga ambulansya. Itinala din ang bilis ng pagresponde at itinuro ang tama at maayos na paglikas.

Ang regular na pagsasagawa ng Earthquake Drill ay naglalayong ihanda ang mga empleyado sa oras ng sakuna lalo na ang lindol upang maiwasan ang pagkawala ng buhay.

Source: Narvacan Naisangsangayn

Panulat ni Malayang Kaisipan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles