Nagsagawa ng Earthquake drill ang MCRRMC sa Brgy. Poblacion Norte, Lidlidda, Ilocos Sur nito lamang Huwebes, Agosto 4, 2022.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan din ng Women and LGBTQ Advocacy Support Group kasama ang Lidlidda Municipal Police Station na pinapangunahan ni Police Lieutenant Minerva G Rabang, Officer-In-Charge.
Layunin ng aktibidad na ito na palawigin ang kaalaman ng Pambansang Pulisya at mamamayan kung paano makaligtas sa sakuna tulad ng lindol.
Ang ganitong aktibidad ay makakatulong sa lahat kung paano maging alerto at tumugon kapag ang natural na kalamidad tulad ng lindol ay nangyari sa hindi inaasahang oras.