Nagsagawa ang mga tauhan ng City Government of San Fernando, La Union ng isang Earthquake Drill na ginanap sa City Hall, Marcos Building, San Fernando City, La Union nito lamang ika-08 ng Setyembre 2022.
Ayon sa City Government of San Fernando La Union, nakiisa ang lahat ng empleyado at kliyente ng City Hall kabilang ang City Veterinary Office (CVO), Engineering and Architectural Services (EAS) kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na nanguna sa nasabing aktibidad.
Ang ganitong drill ay makakatulong kung paano maging alerto at tumugon kapag ang natural na kalamidad tulad ng lindol ay mangyari.
Layunin ng aktibidad na palawigin ang kaalaman ng mga mamamayan kung paano makakaligtas at makakapagsaklolo sa sakuna tulad ng lindol.