Tumaob ang isang dump truck habang binabaybay ang kahabaan ng barangay road ng Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga noong Enero 23, 2025.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, self accident ang nangyaring aksidente kung saan agad din tinulungan ng rumespondeng kapulisan na iayos ang tumaob na truck.
Walang naiulat na nasawi subalit ang driver at pasahero ay nagtamo ng minor na pinsala na agad din binigyan ng paunang lunas ng mga rumesponde.
Bukod pa rito, dalawang PNP mobile cars ang ginamit upang matagumpay na mailabas ang sasakyan mula sa kalsada upang mapabilis ang daloy ng trapiko.
Muli ay nagpaalala ang PNP na mag-ingat sa biyahe, siguraduhing maayos at nasa kondisyon ang sasakyan maging ang driver nito upang maiwasan ang kapaheras na aksidente.