Naghandog ng maagang pamasko ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga batang katutubo ng Barangay Maasin, San Clemente, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2023.
Pinangunahan ito ni Miss Florencia Balilo kasama ang mga tauhan ng Phlippine National Police at Philippine Army.
Namahagi ng mga tsinelas, food packs at nagkaroon din ng feeding program para sa ating mga katutubo.
Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa ating mga katutubo na nakatira sa liblib at malalayong lugar.