20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

DTI, isinusulong ang Collective Mark Registration ng Dagupan Bangus

Isinusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Pangasinan ang pagpaparehistro ng intellectual property rights para sa Dagupan milkfish o bangus para maprotektahan ang industriya sa Dagupan City.

Sinabi ng DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten na hinahangad ng kagawaran na irehistro ang collective mark para sa Dagupan Bangus sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPhil) bilang paunang legal na branding at kalaunan ay magkaroon ng Geographical Indication (GI) certification para higit pang maprotektahan ang reputasyon at ang mga produkto ng industriya ng bangus dito.

“Target natin magkaroon ng collective mark and eventually geographical indication itong ating Dagupan bangus dahil meron na itong reputation at kilala na ito bilang “juiciest and tastiest milkfish” dahil sa distinct taste nito na dulot ng nagsasamang brackish water at salt water sa Dagupan,” ani Dalaten sa isang panayam.

Sinabi din ni Dalaten na kapag nakapagrehistro na, ang mga manlalaro ng industriya ng bangus sa Dagupan City ay maaaring magdikta sa presyo ng bangus, tumaas ang kanilang kita, at kalaunan, makabuo ng mas maraming trabaho para sa mga Dagupeño.

Source: PIA Pangasinan – Provincial Information Center

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles